BANTAY-TRILLANES | AFP, kinumpirmang nagpadala ng intelligence agent sa bahay ni Trillanes

Manila, Philippines – Kinumpirma ni AFP Chief General Carlito Galvez na nagpadala sila ng mga tauhan mula sa intelligence community sa bahay ni Senador Antonio Trillanes IV.

Paliwanag ni Galvez, ginawa nila ito para tiyakin ang kaligtasan ng senador.

Batid aniya nila na mayroong mga banta sa buhay ni Trillanes kaya sinisiguro aniya nilang walang mangyayaring masama rito.


Facebook Comments