Guinakit Fluvial Competition Tampok sa 1st Kudaten Festival

Tinanghal na Grand Champion ang Brgy. Salimbao sa Guinakit Fluvial Competition na isinagawa sa Rio Grande de Mindanao ngayong umaga .

Tumanggap ang mga ito ng P20, 000 habang pumangalawa naman sa kanila ang Medapa na nag uwi ng 15K at sinundan ng Brgy. Katuli na nagwagi ng 10k habang nakatanggap ng tig limang libo ang lima pang kalahok.

Ang guinakit fluvial competition ay bahagi pa rin ng 1st Kudaraten Festival ng Sultan Kudarat, Maguindanao.


Nanguna pa rin sa aktibidad si SK Mayor Shameem Mastura kasama ang bise mayor , mga kagawad at mga opisyales ng LGU.

Layun ng aktibidad ay bilang pagpapakita pa rin ng halaga sa pagdating ni Sultan Kudarat sa isla na syang nagpalaganap ng pananampalatayang Islam.
Maliban sa Guinakit , tampok rin ang kayak race at pumpboat race ngayong hapon.


Facebook Comments