GUINNESS | Lalaki na may record na “Longest Fingernails in One Hand”, masaya matapos na ipaputol ang kaniyang kuko

99

New York – Pinaputol na ng isang 82-anyos na lalaki sa India ang kaniyang mga kuko matapos masungkit ang titulong “Longest Fingernails on One Hand” sa Guinness World Record.

Nabatid na bumisita pa sa New York si Shridhar Chillal para doon ipaputol ang kaniyang kuko kung saan umabot sa 29 feet at 10 inches ang haba nito.

Ayon kay Chillal, nagdesisyon siyang ipaputol na ito dahil sa hindi na niya kaya pang mabuhat ito at sobrang sakit na daw ang nararanasan ng kaniyang braso at balikat.

Hindi naman nagsisisi si Chillal sa naging desisyon niya at masaya siya ngayon dahil nagagamit na daw niya ang kaliwang kamay sa pagbubuhat, pagkain at higit sa pagkakamot.

Makikita naman ang kuko ni Chillal na naka-display sa museum ng “Ripley’s Believe or Not!”

Facebook Comments