GUINNESS WORLD RECORD | Chihuahua mula Puerto Rico, nakasungkit ng bagong record

Puerto Rico – Isang anim na taong gulang na Chihuahua mula sa Puerto Rico ang nakasungkit ngayon ng isang unique na titulo sa Guinness World Record.

Nabatid na nakuha ng Chihuahua na si Miracle Milly ang “World’s Most Cloned Dog” kung saan nagawa ng mga scientist sa South Korea na i-clone ito ng 49 na beses.

Ayon sa amo nitong si Vanesa Semler, naging curious daw ang mga scientist sa kakaibang katangian ni Milly lallo na at ang aso niya din pala ang may hawak ng record na World Smallest Living Dog simula pa noong 2012.


Masaya naman si Vanesa dahil labing dalawa sa mga cloned ni Milly ay nakatira sa kanilang bahay pero ang iba daw sa mga ito ay mas malaki kaysa sa original niyang alaga.

Facebook Comments