GUINNESS WORLD RECORD | Isang babae, nakuha ang record sa pinakamabilis mag-text sa buong mundo

France – “Speed, speed, speed”

Ito ang tanging nasa isip ngayon ng isang babae mula sa France matapos siyang makakuha ng record sa paggamit ng cellphone.

Nabatid na nasungkit ni Rosie Baldwin ang Guinness World Record sa pinakamabilis mag-text ng alphabet sa touchscreen mobile phone kung saan nakapagtala siya ng bilis na 7.44 seconds.


Ginanap ang nasabing record breaking event ni Baldwin sa Cannes Lions Festival of Creativity sa harap ng mga Guinness adjudicator.

Sinasabing tatagal ang festival hanggang sa Sabado kaya at muli naman nag-imbita ang mga opisyal ng Guinness sa iba pang participant na subukang talunin ang bagong hawak na record ni Baldwin.

Facebook Comments