GUINNESS WORLD RECORD | Isang grupo ng mga estudyante sa Japan, nasungkit ang record sa pinaka-maraming bilang ng skipping rope sa loob ng isang minuto

Japan – Ikinatuwa ngayon ng isang grupo ng mga kabataan sa Japan ang nasungkit nilang record sa Guinness world.

Nakuha ng mga miyembro ng E-Jump Fuji ang record na “most skips over a single rope in one minute by a team” kung saan nakapag-jump over sila ng 230 na beses.

Namangha naman ang mga nanonood sa record breaking event ng E-Jump dahil parang lumulutang sa ere ang nasa 12 na kabataan sa pagdaan sa jumping rope habang mabilis itong ipinapa-ikot ng dalawang babae.


Bukod dito, tumatakbo din ang mga dumadaan sa skipping rope ng figure 8 kaya at talagang nakaka-aliw silang panoorin at hindi ka magsasawa.

Facebook Comments