GUINNESS WORLD RECORD | Jewish community sa Atlanta, Georgia, nasungkit ang record sa Largest Cookie Mosaic sa buong mundo

Georgia – Ikinatuwa ngayon ng Jewish community sa Atlanta, Georgia ang pagkakasungkit nila ng bagong world record sa Guinness.

Nabatid na nakuha nila ang record sa largest cookie mosaic kung saan naging modelo nila ang Israeli flag.

Isinagawa nila ang record breaking evened kasabay ng 70th birthday ng Israel.


Tinatayang nasa 117,000 blue at white na cookies ang kanilang ginamit habang nasa 3,200 square feet naman ang sukat nito.

Plano naman ng mga organizers na ibenta ang mga nasabing cookies at ang makukuhang pera ay gagamiting pondo pambili ng pagkain para sa mga mahihirap nilang kababayan sa Israel.

Facebook Comments