Guinness World Record para sa “most female bodyweight squats” binasag ni Pinay powerlifter Joyce Reboton

Nasungkit ng Filipina powerlifter Joyce Reboton ang Guinness World Record para sa “most female bodyweight squats.”

Ito ay makaraang makagawa si Reboton ng 49 reps na bumasag sa record ni Kartenjeet Kaur ng United Kingdom na nakagawa ng 42 reps.

Ayon kay Reboton, masaya siya na nagbunga na bagong world record ang kanyang pagsusumikap pero mas masaya raw siya na makitang marami pa rin ang sumasabak sa powerlifting.


Umaasa siya na magiging popular ang nasabing sport gaya ng weightlifting, na lalong naging tanyag sa Pilipinas dahil sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Si Reboton ay triple bronze medalist sa 2022 World Open Equipped Powerlifting Championships.

Facebook Comments