Marcial, sasagupa sa boxing vet sa undercard game sa Feb 11

Magbabalik-ring ang Olympic bronze medalist na si Eumir Marcial kung saan makakasagupa niya ang Argentinian veteran boxer na si Ricardo Ruben Villalba sa Amerika.

Magsisilbi silang undercard ng laban nina O’shaquie Foster at Rey Vargas sa Linggo, February 11.

Si Villalba ay may record na 20 wins, 7 losses at 1 draw habang ang 27-year old Pinoy boxer ay may 3-0 record, 1 knockout mula nang sumabak sa professional boxing noong 2020.


Kahit pro na sa boxing, kumakatawan pa rin si Marcial sa Pilipinas sa mga amateur international competitions.

Noong 2021 nang masungkit niya ang bronze medal sa Tokyo Olympics habang nito lamang nakaraang taon nang manalo siya ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Facebook Comments