GUINNESS WORLD RECORD | World’s Largest Zumba Class, nasungkit ng Camarines Sur

Camarines Sur – Ikinatuwa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Camarines Sur, mga residente at mga participants ang bagong Guinness World Record na nasungkit nila na Largest Zumba Class sa buong mundo.

Umabot sa halos 17,000 katao ang nakiisa sa isinagawang grand Zumba kontra droga sa Capitol Compound sa Barangay Cadlan, Pili, Camarines Sur kung saan nakiisa dito ang mga tauhan ng Philippine Army, Philippine National Police (PNP), iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, mga private sector, at mga grupo na sabay-sabay na nag sayaw sa loob ng kalahating oras.

Isinagawa ang record breaking event kasabay na rin ng pagdiriwang ng 439th foundation anniversary ng Camarines Sur at ang pagsisimula ng Kaogma festival 2018.


Tinalo ng Camarines Sur sa naturang Guinness World Record ang Mandaluyong City na mayroong mahigit 12,000 na mga kalahok para sa Largest Zumba Class noong July 19, 2015.

Facebook Comments