South Korea – Isang kakaibang martial arts display ang ipinakita ngayon ng National Assembly Taekwondo Federation mula Seoul, South Korea para makakuha ng Guinness World Records.
Aabot sa 8,212 ang sumali sa record breaking event kung saan nakuha nila ang record sa “Largest Taekwondo Display” kasabay ng First Inter-Korean Summit.
Bago magsimula, sumalang muna sa dalawang beses na pagsasanay ang mga participant para makuha at maperpekto ang mga routine.
Ikinatuwa naman ng mga manonood ang mga taekwondo movements dahil talagang nakakaaliw panoorin ang sabay-sabay nitong kilos na kapwa suot ang traditional na taekwondo attire.
Facebook Comments