GUINNESS WORLD RECORDS | Pizza na may 111 iba’t-ibang mga keso sa Germany, nakapagtala ng world record

33

Germany – Gumawa ng pizza na may 111 iba’t-ibang mga keso ang isang pizzeria sa Berlin, Germany.

Ayon sa isa sa hurado ng Guinness World Records, sa dami ng keso sa ibabaw ng pizza ay naging iba’t-iba rin ang nagiging lasa nito sa bawat kagat.

Nakadagdag pa raw sa sarap ng pizza ang lutong nito at ang pantay na pagkakaluto sa tinapay.

Ang pizza ay may mga kesong katulad mozzarella, emmental, leicestershire red (lesturshire red), comté (coat) and raclette de chèvre (raclet de share).

Ngayon lang nagkaroon ng world record para sa pinakamaraming keso na nasa isang pizza.

May pizzeria raw kasi sa Oregon ang naglagay ng may 101 na keso sa pizza pero hindi naman ito opisyal na nai-record.

Facebook Comments