BPI, sarado sa buong bansa sa Holy Week

60

Manila, Philippines – Sarado ang lahat ng branch ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa buong bansa mula March 29 hanggang April 1.

Kabilang dito ang BPI, BPI family savings bank at BPI direct bank branches.

Babalik sa normal ang operasyon ng BPI sa April 2, araw ng Lunes.

Ayon sa BPI, lahat ng online payments na gagawin mula March 29 hanggang April 1 ay sa April 3 na ang posting date.

Facebook Comments