Susuportahan ng Department of Agriculture (DA) ang paglulunsad ng “Gulayan sa Paaralan” bilang pagsalubong sa darating na face-to-face classes.
Sa katunayan nagsimula na ang High-Value Crops Development Program ng DA-MIMAROPA sa pamamahagi ng mga kagamitang pangsaka at binhing gulay sa Department of Education (DepEd) Schools Division Office-Palawan.
Kabilang sa ipinamahagi ay mga sprinkler, hand sprayer, pala, kalaykay, asarol, hand cultivator at plastic trowel.
Ang mga nasabing kagamitan ay ipapamahagi naman ng SDO-Palawan sa 20 paaralan sa probinsiya na kanilang sinuri at sinigurado na mayroong lugar na maaaring pagtamnan at may kakayahang maitaguyod ang gulayan ng pangmatagalan.
Naniniwala ang DA na ang proyekto ay makakatulong sa pag-develop ng karakter at kaalaman ng mga mag-aaral ngayong babalik na sila sa face-to-face classes.
Makakatulong ito sa komunidad ngayong may pandemic dahil may aanihin.