TANGKANG PAGPAPAKAMATAY NG ISANG MANGINGISDA, NAAGAPAN SA ILOCOS SUR

23

SAN VICENTE, ILOCOS SUR – Nasa maayos nang kalagayan ang isang mangingisda matapos maagapan ng mga kapamilya nito ang kanyang tangkang pagpapakamatay sa Brgy. Pudoc.

Kinilala siya na si Salvador, 61 anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng awtoridad, nabigla ang mga kaanak ni Salvador nang matagpuan siyang nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

Nag-atubili agad ang mga nakakita na isugod sa ospital ang biktima dahil mayroon pa itong malay.
Narekober sa kanyang tahanan ang kutsilyong hinihinalang ginamit upang gilitan ang sariling leeg.
Sa ngayon, ay nasa maayos nang kalagayan at nagpapagaling pa sa pagamutan ang lalaki. | ifmnews
Facebook Comments