Gulo sa kamara sa usapin ng mga speakers, pinawi ng ilang PDP Laban members

Kumpyansa si Albay Rep. Joey Salceda na walang magaganap na “bloodshed” o gulo sa pagitan ng mga Speaker aspirants sa oras na magsimula na ang 18th Congress.

 

Ayon kay Salceda, walang gyerang magaganap sa pagitan ng mga kandidato sa Pagka-Speaker at sa mga supporters ng mga ito sa Kamara dahil magkakaroon ng divine intervention mula sa Malakanyang.

 

Kapag nakapili aniya si Pangulong Duterte ay tiyak na titigil na rin ang mga espekulasyon sa usapin ng Speakership race.


 

Pero dahil ipinauubaya ng Pangulo kay House Speaker Gloria Arroyo ang pagpili ng susunod na Speaker ay malaki ang advantage dito ni Leyte Rep. Martin Romualdez ngunit dapat na mapatunayan niya kay Pangulong Duterte na maide-deliver nito ang agenda ng pamahalaan kung ito man ang mahihirang na lider ng Kamara.

 

Pumalag din si Salceda sa suhestyon na parusahan ang mga PDP-LABAN members na hindi susuporta sa Speakership race ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

 

Ang dapat aniyang ginagawa ay parusahan ang mga myembro na hindi sumusuporta sa mga legislative agenda ng Pangulo dahil kahit hati ang PDP-LABAN sa Speakership race ay bloc vote pa rin ang paiiralin sa huli.

Facebook Comments