3rd mega job fair ng Pasig PESO, dinagsa ng mga job seekers sa kabila ng malakas na ulan

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, patuloy pa din ang pagdagsa ng mga job seekers dito sa 3rd mega job fair for 2019 ng Pasig Public Employment Service Office (PESO) na ginaganap dito sa Pasig City Sports Center.

 

Kabilang sa mga serbisyo na ibinibgay dito ay mga trabaho mapa-local at overseas kung saan para makasigruo nandito din ang mga representative ng OWWA at ng POEA.

 

Mayroon din pwesto o booth ang SSS at Philhealth para sa ilan natin mga kababayan ang may katanungan sa mga proseso o kung paano ang mag-avail sa mga ahensiya ng pamahalaan.


 

Aabot sa halos isang libong aplikante ang naitala simula bago mag-alas dose ng hapon at 80 local company ang nakibahagi sa job fair habang siyam na overseas company naman ang nakilahok din sa taunang event.

 

Nagsimula ang naturang job fair kaninang alas-8:00 ng umaga at magtatapos ito mamayang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments