Gulo sa Minneapolis, Minnesota, lalo pang lumala

65

Lumaganap pa ang gulo at kilos-protesta sa Minneapolis, Minnesota.

Ayon sa ulat, may ilan nang inaresto ang mga otoridad dahil maraming gusali na ang sinunog at nilooban ng mga nagpo-protesta.


Ang kaguluhang ito ay bunsod ng pagkakasawi sa isang black American na si George Floyd matapos itong daganan ng pulis sa leeg gamit ang tuhod nito nang kanyang arestuhin dahil sa kasong forgery.

Agad namang tinanggal sa puwesto ang apat na pulis na sangkot sa nasabing insidente.

Samantala, umabot na sa 5.8 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 2.4 milyon ang naka-rekober at 360,308 ang nasawi.

Facebook Comments