Pinoy seafarer, natagpuang patay sa loob ng barko

10565
Photo from miamiherald.com

UNITED STATES – Natagpuang patay ang isang 32-anyos na Pinoy crew member sa cabin ng pinagtratrabuang barko na Scarlet Lady noong Biyernes, Mayo 22.

Ayon sa ulat ng Miami Herald, hinihinalang nagpakamatay ang hindi pinangalanang kababayan base sa impormasyong nakalap ng US Coast Guard.


Ilang buwan ng nasa laot ng Miami, Florida ang naturang barko dulot ng paglaganap coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Nagtratrabaho bilang tagalinis ng kuwarto ng mga bisita ang nasawi, batay sa salaysay ng kapwa-empleyado na tumangging magpakilala.

Ipinaalam na ng may-ari ng barko na Virgin Voyages sa pamilya ng biktima ang kalunos-lunos na sinapit nito.

“It is with great sadness that we can confirm a crew member has passed away while on board. We are working with the appropriate authorities to learn more and are respecting the privacy of those impacted. We extend our heartfelt, deepest sympathies to the family and loved ones of our crew member,” pahayag ng Virgin Voyages.

Matinding dagok ang kinakaharap ngayon ng mga cruise ship lines sa pagpapauwi ng kani-kanilang crew members, kung saan ang karamihan sa kanila ay inabot na ng halos tatlong buwan sa laot.




Facebook Comments