Manila, Philippines – Bugbog sarado ang isang notoryus na “akyat-bahay” matapos na maabutan habang tumatakas mula sa bahay na kanyang nilooban sa Barangay Nangka, Marikina City.
Sa ulat – papatakas na sana ang suspek na si Rindert Reyes Ortiz pero sumabit ang damit niya sa bakod kaya nahuli siya ng mga rumespondeng kapitbahay.
Ayon sa Pulisya, sangkot din si Ortiz sa iba pang kaso ng pagnanakaw sa Quezon City, Antipolo at Cainta.
Noong March 31, nakuhanan pa ng CCTV ang ginawa niyang panloloob sa isang condo unit sa Cubao.
Modus umano ng suspek na magbihis ng maganda at magpanggap na mayaman para madaling makapasok sa mga condominium.
Ilang beses na rin daw siyang nakulong at katunayan, kalalaya niya lang nitong nobyembre 2017 matapos na makapag-piyansa.
Sinampahan na siya ng apat na kaso ng pagnanakaw.