GENERALLY PEACEFUL | Mga isinasagawang kilos protesta sa buong bansa nanatiling mapayapa – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Payapa pa rin ang isinasagawang kaliwa at kanang kilos protesta ng mga grupo ng mga manggawa sa buong bansa.

Ito ang pagtaya ng Philippine National Police batay sa kanilang monitoring

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, walang naitatalang untoward incident ang PNP.


Nanatili naman aniyang alerto at nasa lugar ang mga pulis na idineploy para tiyaking magiging payapa ang mga gagawing kilos protesta.

Mahigpit pa rin ang bilin sa mga ito na manatiling pairalin ang maximum tolerance o mahabang pasenya para maiwasan ang pagkakaroon ng sakitan sa pagitan ng mga raliyista.

Hanggang kaninang alas 2:00 ng hapon umaabot na sa 5,610 na mga raliyista ang namonitor ng PNP sa buong bansa.

Facebook Comments