Gumagandang ugnayan ng Pilipinas at China, itinuturing na ‘Golden Period’

Manila, Philippines – Nagpapasalamat si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa counterpart nito sa China na si Foreign minister Wang Yi dahil sa pagturing na ‘Golden Period’ ang gumagandang ugnayan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Cayetano – maituturing ang China bilang biggest trading partner ng Pilipinas dahil binibili nila ang mga produkto na galing sa bansa.

Aniya, nagbibigay din ang China ng suporta sa para sa pagpapatayo ng mga proyektong pang-transportasyon at imprastraktura.


Sinabi rin ni Cayetano na tumutulong din ang Tsina sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Kasabay nito, patuloy pa ring nireresolba ng dalawang bansa ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments