GUMUHO | 6, patay habang isa sugatan sa nangyaring pagguho ng bahay sa QC

Anim ang kumpirmadong patay, makaraang matabunan sa nangyaring pagguho ng extension ng isang bahay sa gilid ng Culiat River, Barangay Bahay Toro, Quezon City habang nagiinuman ang mga ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ryan Rigueros, 31-anyos may-ari ng gumuhong bahay, Nilo Manguso 46-anyos, Jun Gabin, Rey Gestro, Benito AƱora 45-anyos at Ronald Conde 65-anyos.

Ayon kay Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office Chief Mike Marasigan, pito ang natabunan ng pagguho, kung saan nananatili pa sa pagamutan ang isa.


Aniya, posibleng mayroong paglabag sa 3-meter easement sa mga waterways ang bahay na gumuho dahil nasa creek na ang pundasyon ng itinatayong extension ng bahay.

Posible rin aniyang lumambot ang pundasyon nito dahil sa mga pag-ulan.

Facebook Comments