Banggaan ng 3 Behikulo sa Aurora, Isabela, 3 Sugatan!

308

*Aurora, Isabela- *Sugatan kaninang ala una ng madaling araw ang tatlong katao sa naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo at sasakyan sa pambansang lansangan ng Brgy. Saranay, Aurora, Isabela.

Kinilala ang mga sugatan na sina Alvin Mungiho ng San Mariano, Isabela, driver ng isang motorsiklo, Edmar Abad ng Roxas, Isabela, driver ng isa pang motorsiklo at back rider nito na si Ricarte Cattian, residente ng Quirino, Isabela.


Habang ang driver naman ng isang sasakyan ay kinilalang si Vic Sales ng Alcala, Cagayan.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), parehong binabaybay ng driver ng motorsiklo ang naturang lansangan nang biglang mag-overtake si Abad sa kasunod na si Mungiho subalit nagkabanggaan ang mga ito.

Sa resulta ay dumeretso sa opposite lane si Abad dahilan nang pagkabangga sa kasalubong na sasakyan ni Sales.

Parehong isinugod sa pagamutan sina Mungiho at Abad maging ang back rider para sa kanilang karampatang lunas habang hindi naman nasugatan ang driver ng sasakyan.

Dinala na sa PNP Aurora ang mag sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers