Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng gun ban sa buong Metro Manila kaugnay ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Epektibo ang gun ban mula Hulyo 22 hanggang 27, 2022.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Val de Leon, layon ng gun ban na matiyak ang seguridad ng pangulo at ng mga dadalo sa unang SONA sa July 25.
Ibig sabihin, suspendido muna ang lahat ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) ng mga may-ari ng baril sa Metro Manila.
Facebook Comments