LTO, pinalawig hanggang sa Setyembre 30 ang validity ng mga driver’s license na mag-i-expire sa ngayong Hulyo

361

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na pinalawig pa ng dalawang buwan ang validity ng mga mapapasong driver’s license ngayong Hulyo.

Ginawa ng LTO ang pasyang ito sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kaya naman mga lisensya na mapapaso ngayong Hulyo ay pinawalig hanggang sa ika-30 ng Setyembre.


Kabilang din sa mga pinalawig ang validity ang mga student permit, conductor’s license, at medical certificate.

Facebook Comments