Gun ban magpapatuloy hanggang June 12, 2019

198

Pinaalalahanan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang publiko na magpapatuloy ang gun ban hanggang sa pagtatapos ng election period sa June 12, 2019.

Ginawa ni Albayalde ang paalala sa pagtatapos ng botohan kahapon.


Kung saan nakapagtala sila ng 5,500 na mga indibidwal na  naaresto sa paglabag sa gun ban at 4,618 na baril at 44,226 deadly weapons ang nakumpiska ng PNP.

Pinakahuling naaresto kahapon ng 5:45 ng hapon ay ang 6 na lalaki sa Pagkakaisa Elementary School sa Barangay San Antonio, Biñan Laguna, kung saan nakuha sa kanila ang 4 na kalibre 45, isang 38 at isang 9mm pistol.

Ayon sa PNP chief, sa kabila ng pagtatapos ng botohan ay strikto pa ring ipatutupad ng PNP ang umiiral na gun ban at pagbabawal sa hindi awtorisadong pagkuha ng mga bodyguards at security personnel.

Mananatili aniyang suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence o PTCFOR ng mga lisensyadong gun holders hanggang sa I-lift ng Comelec ang gun ban.

Facebook Comments