Pagkadehado ng oposisyon sa senatorial race, nirerespeto ng lider minorya sa senado

1288

Tanggap na ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkadehado ng otso diretso o walong pambato ng oposisyon sa senatorial race.

 

Diin ni Drilon, nagsalita na ang taongbayan at dapat itong irespeto.


 

Tiniyak ni Drilon, na kahit kakaunti ang bilang nila sa mataas na kapulungan ay patuloy nilang gagampanan ng mahusay ang kanilang tungkulin.

 

Bukod kay Drilon, naiwan na lang sa grupo ng minorya sina Senators Francis Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Leila De Lima at Antonio Trillanes IV.

 

Si opposition Senator Bam Aquino na reelectionist ay nasa ika-14 na pwesto sa nagpapatuloy na bilangan ng boto.

Facebook Comments