Suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside residence sa Negros Oriental simula ngayong araw.
Tanging ang mga kawani ng Philipppine National Police, Armed Forces of the Philippines at law enforcement agencies na naka-uniporme at naka-duty ang pinapayagang magdala ng kanilang mga baril.
Epektibo ang nasabing kautusan simula ngayong araw hanggang bawiin ito ng mga awtoridad.
Ang gun ban ay bunsod nang karumal-dumal na pagpatay kay Negros Oriental Gov. Degamo at walong iba pa noong Sabado kung saan apat na mga suspek ang nahuli at nasampahan na ng murder, frustrated murder at illegal possession of firearms, ammunition, and explosives.
Bumuo na rin ng Joint Task Force na layuning tugisin ang nalalabing mga suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo at ibalik ang peace and order sa Negros Oriental.