Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLTC Efren Fernandez II, head ng Regional Public Information Office ng PRO2, ikinatuwa aniya nito ang pagiging ‘cooperative’ ng mamamayan sa umiiral na gun ban mula pa nang ipatupad ito noong Enero 9, 2022 sa bansa.
Pero, inihayag ni PLT Col Fernandez II na sa kabila ng maigting na pagbabantay ng kapulisan sa mga nakalatag na COMELEC checkpoints ay mayroon pa rin aniyang hindi nakalusot at lumabag sa gun ban na nahuli ng ating mga otoridad.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin ang mga ginagawang operasyon ng pulisya pangunahin na ang kanilang anti criminality campaign at kontra illegal firearms.
Hiniling naman ni PLT Col. Fernandez II ang kooperasyon ng mga mamamayan sa mga nakalatag na checkpoints upang mapanatili ang kaayusan bago at pagkatapos ng halalan 2022 at maipatupad din ng pulisya ang kanilang mandato.