NBI, magsasagawa ng hiwalay na phishing probe sa Landbank accounts ng ilang guro

81

Inatasan na ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang phishing sa Landbank accounts.

Ayon kay Guevarra, ipag-uutos niya sa NBI na gumawa ng hiwalay na imbestigasyon sa phishing scam kung saan ang nabiktima ay mga guro.

Bukod pa aniya ito sa ginagawang imbestigasyon ng NBI sa phishing sa mga bank account sa bansa.


Noong Lunes, Enero 24, ini-report ng Land Bank of the Philippines na nakompromiso ang personal at banking information ng mga guro sa pamamagitan ng phishing kung saan nagpanggap na kinatawan ng bangko ang mga hackers para mapasok ang accounts ng mga biktima.

Facebook Comments