Gun ban sa gaganaping ASEAN Summit, sa Metro Manila at Region 3 ipapatupad – NCRPO

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni National Capital Region Police Chief, Police Director Oscar Albayalde na hindi lang sa Metro Manila kundi pati narin sa buong Region 3 ipatutupad ang gun ban o ang pagpapawalang bisa ng Permit to Carry Firearms Outside Residence o PTCFOR.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Albayalde na sisimula ang nasabing gun ban sa November 1 hanggang November 15 kasabay na rin ng gaganaping Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.

Ito aniya ay inaprubahan na ni PNP Chief Director General Ronald Bato dela Rosa.


Kaugnay niyan ay sinabi ni Albayalde na magsasagawa sila ng ilang police operations para masanitize ang ilang lugar sa Metro Manila para sa ASEAN Summit.

Kabilang aniya sa mga lugar na ito ay ang Quiapo, Baseo Compound at Maharlika Village sa Taguig.
Paliwanag ni Albayalde, madalas kasing pinagtataguan ng mga criminal ang mga lugar na ito kaya kailangang linisin ang mga ito bago ang ASEAN Summit.

Facebook Comments