Stallion Laguna FC, ginulat ang Ceres Negros FC, 2-0 habang wagi rin ang Kaya FC Makati laban naman sa Davao Aguilas

Manila, Philippines – Kahit wala nang pag-asa na makapasok sa semifinals, ginulat pa rin ng Stallion Laguna FC ang lamadong Ceres Negros FC sa kanilang showdown sa Philippines Football League sa Binan, Laguna.

Umiskor ng goal si Gabriele Mascazzini bago matapos ang first half para ibigay ang laman sa Stallion.

Dinoble ni Stallion skipper Ruben Doctora ang lamang ng home team sa 60th minute para selyuhan ang kanilang unang panalo sa Ceres matapos ang halos dalawang taon.


Sa Davao Del Norte Sports Complex naman, umiskor ng tig-isang goal sina Jordan Mintah at Miguel Tanton para ibigay ang 2-0 panalo laban sa Davao Aguilas.

Facebook Comments