Epektibo na ngayong araw ang gun ban na ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) sa buong Metro Manila kaugnay ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nagsimula ang gun ban kaninang hatinggabi at tatagal ito hanggang Hulyo 27.
Ayon sa PNP, layon ng gun ban na matiyak ang seguridad ng pangulo at ng mga dadalo sa unang SONA sa Lunes, July 25.
Ibig sabihin, suspendido muna ang lahat ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) ng mga may-ari ng baril sa Metro Manila.
Facebook Comments