Gun ban violators, umabot na sa mahigit 1,700 – PNP

Manila, Philippines – Umakyat na sa isang libo pitong raan at tatlumpu’t isang indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa umiiral na COMELEC gun ban kaugnay sa gaganaping midterm election sa Mayo.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Sr. Supt. Bernard Banac, 1635 na nga naaresto ay mga sibilyan, 20 pulis, 3 sundalo, 22 government officials, apat na iba pang miyembro ng Law Enforcement Agencies, isang miyembro ng BJMP.

Nadakip rin ang 35 Security guard, siyam na miyembro ng threat groups at dalawang miyembro ng private armed groups.


Sa mga naarestong ito narekober ng PNP ang 1,380 na mga baril, at 11,920 na mga deadly weapons at mga bala.

Sa ngayon nagpapatuloy pagbabantay ng PNP upang mamomonitor ang lumalabag sa umiiral na COMELEC gun ban.

Facebook Comments