Sangkot din umano sa serye ng mga pagpatay dito sa Cotabato city ang dalawang indibidwal na na-neutralize ng kapulisan ng DOS-PNP sa ikinasang buybust operation nitong Sabado.
Sa panayam ng DXMY, sinabi ni DOS-PNP Chief Police Maj. Erwin Tabora, na kanilang napag-alaman na may kinalaman din ang naturang mga personalidad sa mga pagpatay sa mga sundalo at pulis sa syudad bilang gun for hire at may criminal records din, katunayan labas-masok sa Maguindanao Provincial Jail at BJMP-Cotabato city.
Sinabi pa ni Maj. Tabora na matagal na nilang minamatyagan ang mga aktibidad ng mga ito dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga kaya nang makatyempo ay ikinasa na nila ang operasyon laban sa mga ito sa Barangay Upper Kapiton, DOS, Maguindanao.
Sa halip na sumuko sa mga otoridad ay nakipagpalitan ang mga ito ito ng putok kaya napilitan ang kapulisan na gantihan sila ng putok.
Isinugod pa ng mga pulis sa ospital sina ang mga drug suspect na sina Ian Amando at Alyas TonTon na pawang mga tubong Upi, Maguindanao subalit idineklarang dead on arrival.
Sinabi pa ni DOS-PNP Chief Police Maj. Erwin Tabora, nakuha mula sa posisyon ng mga kanilang target ang isang 40 light pistol at 38 revolber, isang maliit na sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at cellphone na ginagamit ng mga ito sa kanilang iligal na transaksyon.
Ayon pa kay Maj. Tabora, magpapatuloy ang kanilang pag-iimbestiga upang malaman ang mga krimeng posibleng kinasangkutan pa ng mga ito upang matunton kung sino ang kanilang amo.
Gun for Hire/ Drug Suspects patay matapos manlaban sa operasyon ng DOS MPS
Facebook Comments