Gun store na konektado umano sa mga Terorista sa Marawi, iniimbestigahan na ng PNP

256

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang PNP kaugnay sa report na may gun store na umano’y konektado sa mga lokal na terorista sa Marawi City.

Ayon kay Firearms ang Explosive office Chief Sr. Supt. Valeriano De Leon, may Intelligence Information silang nakuha na isang gun store sa Marawi ang umano’y konektado kay ASG Leader Isnilon Hapilon.

Pero hindi kumpirmado ang impormasyong ito kung kayat tinatrabho ng kanilang mga tauhan sa lugar.


Hindi rin umano totoong pagmamay-ari ito ni Hapilon, ngunit sa kanilang impormasyon ay baka may ginagamit itong ibang tao.

Posible raw kasing sympathizer ang may-ari nito ng mga terorista.

Sa ngayon ay wala pang kasiguruhan kung naroon pa sa Marawi ang nasabing gun store o kaya kasama na ito sa mga na-ransack ng mga terorista sa Marawi City.



Facebook Comments