Guro, arestado dahil sa pakikipagtalik sa estudyante araw-araw sa loob ng 3 buwan

35994

MIAMI-DADE COUNTY, Florida – Inaresto at pinaratangan ng sexual battery sa menor de edad ang 70-anyos na guro matapos mapatunayang nakikipagtalik ito sa dalagita araw-araw sa loob ng tatlong buwan.

Kinilala ang suspek na si Miller Privett, guro sa Terra Environmental Research Institute Magnet School sa loob ng 30 taon na nahuli nang magsumbong ang 17-anyos niyang biktima.


Sa inihaing warrant of arrest ni Detective Ismael Castill, nakasaad dito na taong 2012, nagsimula ito sa panghihipo sa kamay at likod ng biktima sa kanilang history class.

“These touches began as rubbing her arms while in class, then rubbing her back, and continued to kiss her on the head, cheek and partial lips,” ani Castill.

Ayon naman sa ulat ng The Miami Herald, nasundan ito sa pagpuna ng suspek sa timbang ng biktima kaya umano nagkaroon ng eating disorder ang dalagita para magmukha raw maganda kay Pivette.

Dagdag ng pulisya, pagtuntong ng ikatlong taon ng biktima sa eskwelahan, dito na binanggit ng suspek ang kagustuhan nitong makipagtalik.



Nangyayari ang pagse-sex ng dalawa araw-araw sa tuwing natatapos ang klase sa loob ng silid-aralan ng naturang guro.

Base sa report, nagpatuloy ang kanilang ginagawa at tumagal ng tatlong buwan.


At nito lamang Disyembre nakaraang taon, nagpasyang pumunta sa pulisya ang biktima kung saan agad na ipinatawag si Pivette para isagawa ang imbestigasyon.

Pinag-usapan ng dalawa kaharap ng mga pulis ang nangyaring pagtatalik na nakumpirma naman kalaunan.

Samantala, nang maaresto ang guro ay hindi na ito nagtuturo sa naturang paaralan.

Humihingi naman ng tulong ang State Attorney’s Office na magbigay-alam sa kanila sakaling mayroon pang ibang naging biktima ang suspek.

Facebook Comments