Launching ng Malasakit Center sa Isabela, Pinangunahan ni Senator Bong Go

*Cauayan City, Isabela*- Pinangunahan ni Senator Bong Go at Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño ang pagpapasinaya sa ika-62 na Malasakit Center sa Governor F.N Dy Hospital sa Lalawigan ng Isabela.

Kasabay din ito ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha ng mga nagdaang bagyo na sumalanta sa ilang lugar sa Isabela.

Maliban dito, nagkaloob din ng Agricultural Machineries sa mga magsasakang lubos na naapektuhan ang kanilang mga sinasakang pananim ng manalasa ang pagbaha sa Probinsya.


Nangako naman ang Senador na magpapatuloy ang kanyang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sa huli ay nagbigay ng tatlong milyong piso sa ilang LGUs sa Isabela habang 10 milyong piso naman ang ibinigay sa Probinsya ng Isabela.



Facebook Comments