Self quarantine ng mga hukom at court personnel ng Pasay City Hall of Justice, magpapatuloy

47

Magpapatuloy pa rin ang self quarantine ng mga hukom at ng court personnel ng Pasay.

Ito ay bagamat tapos na ang disinfection sa Pasay City Hall of Justice at naka-self quarantine na rin ang close contacts ng mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19.


Sakop ng kautusan ang mga hukom at court personnel ng Pasay Regional Trial Court, Metropolitan Trial Courts at Office of the Clerk of Court.

Tatagal ang self quarantine hanggang sa July 22, 2020.

Una nang isinailalim sa disinfection ang Pasay City Hall of Justice matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani nito.

Facebook Comments