Guro, arestado matapos kuhanan ang isang estudyante habang nasa loob ng banyo

1794
Handcuffs

LATHAM, New York – Inaresto ang isang guro matapos itong mahuling kinukuhanan ang isang estudyante habang nasa loob ito ng banyo ng eskwelahan.

Hinuli si Jeffrey Wellman, 42, ilang oras matapos magreklamo sa pulis ang 17-anyos nitong biktima.


Ayon sa ulat ng the Times Union, napansin daw ng biktima ang suspek hawak ang kanyang cellphone sa ilalim ng stall divider sa Shaker High School kung saan siya nag-aaral.

Sa gulat ay agad daw nitong sinunggaban ang suspek kung saan nakuhanan niya ito ng video at ilang larawan bago makaalis at tuluyang makatakbo ayon sa report ng pulisya.

Nakuha sa litrato ang id na suot ng suspek kaya agad na nalamang isa ito sa mga guro ng paaralan.

Sa imbestigasyon, nakilala rin ang suspek dahil sa surveillance video ng lugar.

Samantala, nitong Miyerkules, Pebrero 12(USA time) ay inanunsyo ng North Colonie School District na hindi na pwedeng magtrabaho ang naturang guro sa kanilang distrito.

Paalala naman ng superintendent ng mga paaralan ng distrito sa mga estudyante, huwag matatakot magsumbong kung mayroon silang nakikitang maling gawi mula sa kahit sinong guro.

Inaasahan naman ang pagbabalik sa korte ng suspek sa darating na Pebrero 26 na hinablaan ng felony unlawful surveillance.

Naniniwala rin ang pulisya na maaaring mayroon pang ibang biktima ang naturang guro.

Facebook Comments