Guro, arestado matapos mahuling nakikipag-sex sa 2 estudyante sa swimming pool

Hinuli ang isang 27-anyos na guro dahil umano sa pakikipagtalik sa dalawang 15-anyos na estudyante sa isang community pool malapit sa tinutuluyan nitong condo sa East Naples, Florida.

Nakuhanan sa CCTV footage ng condo ang naturang pangyayari kung saan makikita umano ang dalawang menor de edad at ang guro na si Kirstie None Rosa.

Ayon sa report, dinala ni Rosa ang dalawa sa isang okasyon ngunit agad na pinatalsik nang malamang sila ay mga high school students pa lamang.


Dahil dito, nagpasya raw na iuwi ng naturang guro ang dalawa pabalik sa kanyang condo saka dinala sa kanilang swimming pool kung saan nangyari ang pagtatalik.

Sa karagdagang ulat, sinasabing ilang beses na ring may nangyari kay Rosa at sa isa sa mga estudyante sa pamamagitan din ng Snapchat kung saan sila nakakapag-usap umano.

Samantala, humaharap sa patung-patong na kaso ang guro nang mahuli nito lamang Linggo at lumalabas din sa imbestigasyon na binibigyan niya ng drugs ang mga estudyante.

Facebook Comments