Guro, Arestado sa Kasong Rape!

1590

*Echague, Isabela -* Nadakip ang isang pampublikong guro matapos itong silbihan ng Warrant of Arrest pasado alas sais kahapon kaugnay ng kasong panggagahasa sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Gener Antonio, 28 anyos, walang asawa at residente ng Purok 6, Brgy. Angoluan, Echague, Isabela.


Naaresto si Antonio ng mga tauhan ng Echague Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Maj Andy P Orilla sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24 ng Echague para sa kasong panggagahasa na may kaukulang piyansa na P120,000.00.

Dinala na sa kustodiya ng Echague Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments