“Di ako ang nagnakaw ng 60m. Kapatid kong si Ben yung tinutukoy mo.” – Mon Tulfo to netizen

Nabuhay ulit ang isyu ng P60M ad placement ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag Multimedia Network matapos ungkatin ng isang netizen na umano’y ‘ninakaw’ ng Tulfo ang pondong binayad ng kagawaran.

Nitong Hunyo 24, naglabas ng reaksyon ang nakatatandang Tulfo tungkol sa P500,000 donation ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario para sa mga mangingisdang ng binanggang FB Gem-Vir 1.


“Former Foreign Secretary Albert del Rosario donating 500k to fishermen in the Recto Bank incident cheapens his act. He should be the last to do that coming as it does in the wake of his being barred from entering Hong Kong. He should have done that before he was refused entry,” saad ni Tulfo nitong Lunes.

Sagot ng isang netizen, okay nang mag-donate ng P500k sa mga mangingisda kumpara sa nagmamatigas ibalik ang ‘ninakaw’ na P60 million.

Buwelta ni Mon, hindi siya ang nagnakaw ng P60 million at tinuro niya ang nakababatang kapatid na si Ben na sangkot sa isyu.

Naging kontrobersyal at napuno ng kritisismo ang advertisement deal dahil sa pagiging magkadugo nina dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at may-ari ng Bitag Multimedia Network na si Ben.

Binanggit noon ni Mon na “conflict of interest” ang ginawang kontrata ng television production ni Ben sa PTV-4 para sa pondo ng DOT.

Ani Mon, “But Ben insists on his innocence, claiming that the Department of Tourism — of which Wanda was the erstwhile head — didn’t sign the contract with his company, Bitag Multimedia Network. No amount of pleading from me when the uproar broke out could persuade Ben to admit it was his fault and not Wanda’s. “F**k you! Don’t treat me like a child,” he told me.”

Facebook Comments