Guro at 2 Drayber, Sugatan Matapos Magsalpukan!

183

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang guro maging ang drayber ng motorsiklo at traysikel matapos magbanggaan sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang mga sugatan at drayber ng traysikel na si Jetzhel Narag, 32 anyos, may-asawa, watch technician, residente ng Brgy Aga, Delfin Albano habang ang drayber naman ng Yamaha Mio na motorsiklo ay si Fernando Maragon, 24 anyos, walang asawa, make-up artist, residente ng Brgy. San Jose, Delfin Albano kasama ang back rider nitong guro na si Ericson Macapugay, 29 anyos, binata, residente naman ng Brgy. sa bayan din ng Delfin Albano.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, parehong binabaybay ng motorsiklo at traysikel ang lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang nag-U turn ang traysikel na hindi agad napansin ng sumusunod na motorsiklo.

Dahil dito, nasalpok ng motorsiklo ang traysikel at tumilapon sa daan ang mga sakay nito na sanhi ng kanilang pagkakasugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Dinala ang mga ito ng Rescue DART 13 sa pagamutan para mabigyan ng kaukulang lunas.

Facebook Comments