Guro at kanyang anak na drug pusher, timbog sa Makati City

223

Manila, Philippines – Arestado ang isang guro at ang kanyang anak sa ikinasang buybust operation sa Barangay West Rembo, Makati City.

Ayon kay Makati Police Chief, Senior Supt. Gerardo Umayao – matagal nang inirereklamo ang suspek na si Ruby Plantado dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa lugar.

Inaresto din ang kanyang anak na si Xavier na nagsisilbing runner.


Depensa naman ng suspek, isinet-up lamang sila ng mga pulis.

Tatlong taong nang nagtuturo ng Math at Physical Education sa isang elementary school si Plantado.

Lumalabas na dati nang nakasuhan sa ilegal na droga si plantado pero siya’y naabswelto.



Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments