Call center agent, patay nang manlaban sa holdaper sa Makati City

831

Manila, Philippines – Patay ang isang call center agent matapos mabiktima ng holdaper sa labas lamang ng kanyang tinitirhan sa Barangay Palanan, Makati City.

Sa kuha ng Cctv, makikita ang isang babae na bumaba sa isang sasakyan.

Bago pumasok ng bahay ay nanigarilyo muna siya.


Ilang sandali, makikita ang isang lalaking sakay ng motorsiklo kung saan bumaba ito at hinablot ang dala ng biktima.

Dahil sa nagkikipag-agawan pa ang babae sa suspek ay dito na siya binaril.

Ayon kay barangay kagawad Jose Villar Jr. – posibleng hindi taga-roon ang suspek.



Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.
*

Facebook Comments