Sumailalim sa SKILLS TRAINING ON FISH PROCESSING ang mga guro at estudyante ng Balong Junior and Senior High School sa barangay Balong, Pikit North Cotabato.
Sa isang araw na skills training on fish processing ay tinuruan ang mga partisipante hinggil sa tamang pagtanggal ng mga tinik at pagpsoseso ng mga isda tulad ng tilapia, pag-manufacture at marketing strategy para sa naprosesong mga produkto.
Sumalang din sila sa orientasyon tungkol sa kahalagayah ng tamang labeling at packaging.
ANg Provincial Government of Cotabato sa pamumuno ni Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa pamamagitan ng Office of Provincial Agriculturist ang nangangasiwa sa mga kahalintulad na pagsasanay upang matulungan ang mga residente na magkaroon ng karagdagang kita sa pamamagitan ng business opportunities.
Guro at mga estudyante, sumailalim sa SKILLS TRAINING ON FISH PROCESSING!
Facebook Comments