Guro, huli matapos ayaing makipagtalik sa kanyang estudyante sa Cebu

Arestado ang isang guro matapos ayain na makipagtalik sa kaniyang estudyante kapalit ng pagpasa nito sa isang subject na English sa Cebu.

Ayon kay Police Captain Armando Labora, hepe ng Parian Police Station, tinakot umano ng lalaking guro ang 17-anyos na lalaking biktima na ibabagsak kung hindi papayag sa nais kaniya.

Itinanggi naman ito ng guro at sinabing nagpamasahe lang siya sa estudyante at mismong ang binatilyo pa raw ang nag-alok nito.


Hinihintay pa ng pulisya ang mga magulang ng biktima para pormal na makapagsampa ng kaso laban sa suspek.

Facebook Comments