Guro, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

52

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang guro sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad partikular sa harap ng isang sementeryo bandang 2:20 ng hapon sa Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Alfred Ryan Narag, 38-anyos, may-asawa at residente ng Purok 6 General Aguinaldo, Ramon, Isabela partikular sa NIA Compound Barangay Ambatali sa nasabing bayan.


Dinakip ang guro ng pinagsanib na pwersa ng Ramon PS, PDEU Isabela PPO sa pangunguna ni PLT REYMAR VALENCIA, at PDEA Quirino na nagresulta ng aktong pagbebenta ng isang pakete ng droga sa isang poseur buyer sa kapalit ang halagang P2,000

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang siyam (9) na pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Nahaharap ang guro sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments